Argh. I am now officially obsessed with Full House.
I've already watched the entire series (bought it at Tutuban for 500 pesos. ^__^) and I still can't get enough of it.
Sobrang ganda talaga!!!!!!
Wala. Wala nakong masabi. Ang galing. Ito ang tipo ng palabas na kung kelan mabigat na ang nararamdaman mo dahil may mga kadramahan nang nagaganap, bigla na lang nila sisingitan ng mga nakakatawang eksena. Kaya naman enjoy talaga!!
Matatawa, maaawa, maiiyak at maiinis ka sa LAHAT ng mga characters. Lahat sila may kani-kaniyang strengths and weaknesses. Yung si Jesse, sa sobrang bait e may pagka-martir na, pero isa pa rin siyang matikas na nilalang. Si Justin naman, isang malaking kupal pero nakakakilig kapag inalagaan na niya si Jesse. Si Loraine na isang user-friendly bitch pero sa medyo dulo ng istorya e maiintindihan mo na kung bakit siya ganun. At si gwapong-gwapong Luigi na isa pang martir hanggang ata sa 2nd to the last episode.
Bilib talaga ako sa cast at prod team ng series na'to. Subtitled lang ang napanood ko at kahit na minsan e mali-mali ang spelling at grammar ng subtitles at Korean names ang tawag nila sa isa't-isa wala akong reklamo. Idol, ah hindi, Master talaga sila.
Haaaay. Ayan, mas lalo ko na tuloy gustong tuparin ang mga pangarap ko. Marami akong gustong gawin pagka-graduate ko, kasama na doon ang magtrabaho sa isang magazine, ang maging bahagi ng prod team sa mga pelikula, at ang maging isang dubber. Wala akong pakialam kung anong klaseng dubber, mapa-telenobela man yan o anime. Elementary pa lang ako gusto ko nang sumabak sa dubbing. Ibang klase kasi ang mapakinggan ang sarili mong boses na ginagamit ng iba't-ibang characters, lalo na kung iyong mga tipong animated characters pa. Isang mababaw na mithiin lang ito kung tutuusin pero napakalaking bagay na nito para sa akin. Katulad ng pagdu-dub, may isa pa akong gustong gawin. At ito na marahil ang isa sa mga pinakamalalaki kong pangarap.
Gusto kong makagawa ng isang sobrang gandang telenobela. Magdirect ng series o magsulat ng script- hindi ko pa alam kung ano ang pwede kong gawin. Basta gusto kong maging isa sa mga responsable sa pagbuo ng isang astig na telenobela. Iyong bang tipong sabay mong mapapatawa, mapapaiyak at maiinis ang mga manonood kapag napanood nila yun. Ang telenobelang nais kong gawin ay yung hindi lamang mga nanay at katulong na walang magawa ang gusto manood, kundi kahit pa yung mga tambay sa kanto e titigil sa pag-inom para panoorin lang ang telenobela ko. Iyong klase ng palabas na panonoorin ng kahit anong klaseng nilalang, conyo man o skwater, tapos pagtsitsismisan pa nila pagkatapos. Gusto kong gumawa ng isang telenobela na pag-uusapan ng buong bayan sa sobrang ganda nito.
Oo na, sige na wag niyo nang pigilan ang pagtawa ninyo. Alam kong natatawa na kayo dahil sa pangarap kong ito. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, walang kaso sa akin kung mababaw lang tingin ninyo sa akin. Basta, ito ang gusto ko.
Ito ang pangarap ko.
At balang araw, tutuparin ko ang lahat ng ito.
Friday, April 01, 2005 at 8:22 PM